Friday, September 01, 2006

...wedding? my thoUghts abOut it...

Isa nang palasak na katotohanan na ang kasabihan na ito ay madalas na kabaligtaran ng madalas na kinahihinatnan ng mga lumalagay dito. Di ako kontra sa kasal, ang katotohanan pa nga niyan ay hanga ako sa mga kakilala ko na ikinasal na. Para sa akin kasi ay pagpapatunay ito na ang dalawang nagmamahalan ay handa na para harapin ang mga pagsubok ng magkahawak kamay at sa bawat pagtatapos ng bawat araw ay nakangiting titingin sa mga mata ng isa't isa at kasabay ng matamis na dampi ng mga labi ay palihim na nagpapasalamat para sa presensya ng isa't isa.
Ito ang idealismo sa likod ng seremonya ng kasal na base sa ilang pagsasama na aking nasaksihan ay sinisira kapagkuwan ng selosang walang basehan, paghihigpit ng labis sa asawa upang makasalamuha kahit sandali lang sa mga dating kakilala, pagpapasahan ng sisi at responsibilidad, paghahangad ng labis sa materyal na bagay at ang pasulpot-sulpot na pangingialam ng mga biyenan at sariling mga magulang. Kita niyo naman, konti lang ang mga ito sa mga bagay na 'di pinagkakaunawaan ng mag-asawa pero kung susuriin ay pwede namang lutasin sa mabobote at mabubuting usapan, kailangan lang ay pagpapasensya, panguunawa at pagbibigay ng oras at kaunting espasyo para huminga at tumingin sa solusyon imbis na sa problema at higit sa lahat ay ang pakikinig sa sasabihin ng bawat isa. Para sa akin, ang pakikinig ay labis na mahalaga dahil dito nailalahad at naipapaliwanag ang anumang dahilan ng sigalot. (Galiiing! Parang alam ko 'no? Sabi naman sa inyo pakikinig eh, siyempre pag ang mag-asawa
kong kapitbahay ay nag-aaway, nakikinig ako.
Doon, doon ko nalaman.) Sa haba ng sinabi ko, ang punto ko lang naman ay di pa ako handang pasakal ooops, pakasal pala. Inaamin ko nagkakaedad na ako pero masaya. Ninanamnam ko pa ang mga kalayaang ngayon ko pa lang natitikman dahil noong estudyante pa ako ay subsob ako sa pag-aaral (naks) kaya ngayon naman ay tinatamasa ko ang mga bagay na di ko noon nagawa.

Bakit nga ba ang ganitong usapan? Dahil pag-uwi ko ay "Kailan ka ikakasal?" ang bungad na tanong sa akin. Pati nga mga tingin sa akin 'yon din naman ang ipinapakahulugan 'di man nila bigkasin.
Kailan nga ba? Hindi ko pa alam. Ayaw ko naman siyempre magsalita ng tapos pero pag dumating ang panahon na iyon ay sisiguraduhin ko na 'di ko 'yon pagsisisihan pero sa ngayon ay bakit 'di na lang muna ako hayaan na datnan ng aking kapalaran sa tamang panahon at tamang pagkakataon?

Cheers guys!

Joke, joke, joke:

The three rings up to marriage:

engagement RING
wedding RING
suffeRING

No comments:

Post a Comment